Physical Address

Wato, Balindong, Lanao del Sur
Philippines

5 Mabisang Herbal na Gamot sa Breast Cancer Nabibili Online

Ilan sa mga halimbawa ng mga halamang gamot ginagamit sa breast cancer ay ang ginkgo, goldenseal, ginseng, bawang, Echinacea, aloe vera, at saw palmetto. Ginagamit din ng mga Amerikano ang mga katutubong halaman sa USA tulad ng black cohosh, goldenseal, ragweed, at snakeroot. Ang mga halamang binaggit ay kadalasang naglalaman ng mga aromatikong sangkap at essential oils na nagbibigay din ng lasa sa pagkain. May mga gulay din, na tinawag na cruciferous sa English, na naglalaman ng sangkap na nakakatulong sa pagsugpo ng breast cancer.

Ang 5 mabisang herbal na gamot sa breast cancer ay ang:

  • Gulay na Cruciferous tulad ng repolyo
  • Luyang Dilaw
  • Bawang
  • Echinacea
  • Burdock
babaeng may breast cancer

Mga Gulay

Ang mga gulay na cruciferous tulad ng broccoli, bok choy, repolyo, cauliflower, collards, kale, Brussels sprouts, at kohlrabi ay naglalaman ng 3,3′-Diindolylmethane (DIM). Maraming research na nagsasabi na ang sangkap na ito ay may potensyal sa pag-iwas ng breast cancer. Tulad ng pag-aaral ni Thompson (basahin dito), napatunayan nya na ang DIM ay mabisa at epektibo sa breast cancer.

Sinuri rin ng mga mananaliksik ang iba’t ibang paraan kung paano nakakagamot ang DIM sa breast cancer. Kabilang na dito ang:

  • Apoptosis: Pinapatay ang sobrang cells sa bukol na breast cancer
  • Antioxidant: Nilalabanan nito ang oxidative stress dulot ng cancer,
  • Estrogen metabolism: Kino-kontrol nito ang Estrogen (hormone na nagpapabilis sa paglaki ng bukol)
  • Regulasyon ng cell cycle: Pinapahina nito ang sobrang bilis ng pagawaan ng cancer cells na siyang nagdudulot ng bukol
brocolli

Upang makakuha ng concentrated na DIM, maaari gumamit o uminom ng herbal supplements na naglalaman ng DIM. Ang mga supplement na ito ay mas madaling gamitin panglaban sa breast cancer.

Echinacea

Ang Echinacea ay isang halaman na naglalaman ng mga flavonoid na nagpapalakas ng immune system. Ayon din sa mga pag-aaral, ang flavonoid ay tumutulong sa:

  • Pagsusulong ng aktibidad ng lymphocyte
  • Pagpapabuti sa phagocytosis ng mga macrophage
  • Pagpapataas sa aksyon ng natural killer cells (pumapatay sa mga cancer cells), at
  • Pagsusulong ng produksyon ng interferon (tumutulong sa pagprotekta ng katawan laban sa cancer).
Echinacea

Natuklasan din na ang mga flavonoid ay maaaring makabawas sa mga masamang epekto ng radiotherapy at chemotherapy. Bukod dito, maaari rin itong makatulong sa pagpapahaba ng buhay ng mga pasyente na nasa advanced stage ng breast cancer.

Subalit ang Echinacea ay natatagpuan lamang sa Great Plains at silangang bahagi ng Hilagang Amerika at Europa, kaya’t ito ay binibili nalang sa Pilipinas. Ang mabuting balita ay ang mga commercial na Echinacea ay mura sa mga online stores.

Bawang

Matagal ng ginamit ang bawang bilang isang halamang gamot dahil naglalaman ito ng iba’t ibang mga sangkap (kabilang ang alliin, alliinase, at allicin) na may maraming benepisyo. Ang allicin ay ang sangkap ng bawang na naglalaman ng sulfur na siyang responsable sa kakaibang amoy nito at ang kakayanang paggamot nito.

Naglalaman din ng selenium at bioflavonoid tulad ng cyanidin at quercetin ang bawang na may mga katangiang antioxidant. Subalit, inuugma sa mataas na concentration ng organic sulfides at polysulfides ang anti-cancer activity nito. Ang mga sangkap na ito ay siyang nagpapalakas sa mga lymphocyte at macrophage para salakayin at patayin ang mga cancer cells.

Tumutulong din ang bawang sa cells metabolism na siyang nagpapapigil sa paglago at pagkalat (metastasis) ng cancer.

bawang

Madaling hanapin ang bawang sa Pilipinas dahil available ito sa mga palengke. Isa rin ito sa sampong herbal medicines na inaproban ng gobyerno. Ngunit sa amoy at lasa ng bawang, pwedeng uminom ng garlic herbal supplements para mas madaling inomin.

Luyang Dilaw

Ang luyang dilaw (Curcuma longa), turmeric sa English, ay naglalaman ng curcumin na isang aktibong sangkap na may potensyal na panlaban sa cancer. Ang curcumin ay tumutulong rin sa paggawa ng mga eicosanoid tulad ng prostaglandin E-2 (isang antioxidant) at pumipigil sa pamamaga.

luyang dilaw

Higit pa doon, ang curcumin ay gumagana sa lahat ng yugto ng paglaki ng cancer cells. Ibig sabihin, pinahina ng luyang dilaw ang mga proseso sa pag-initiate, pag-promote, at pag-propagate ng mga cancer cells. Pinapahinto din ng luyang dilaw ang produksyon ng nitrosamines at pinapalakas nito ang aktibidad ng mga antioxidant sa katawan. Ang nitrosamines ay mga chemical sa katawan na kung sobra ang dami, nakakasanhi ito ng cancer.

Nabibili ang luyang dilaw sa mga palenke sa Pilipinas, pero kung gusto mo ng ready-made, pwede kang uminom ng turmeric powder o turmeric capsule.

Turmetic Powder

Turmeric Capsule

Burdock

Ang burdock (Arctium lappa) ay isang halaman na may matamis at malagkit na ugat na ginagamit bilang tradisyonal na gamot para sa iba’t ibang mga sakit. Sa mga kamakailang pag-aaral, ipinapakita nito ang mga kakayanan ng burdock laban sa cancer. Ang burdock ay naglalaman ng mga aktibong sangkap na tumutulong sa pagbabago ng mga oncogenes (tawag sa mga genes na nagsasanhi ng cancer). Kaya ito ay tinuturing na epektibo sa paggamot ng breast cancer, ovarian cancer, bladder cancer, malignant melanoma, lymphoma, at pancreas cancer. Nakakatulong ito sa pag-alis ng sakit, nagpapaliit ng laki ng tumor, at pagpapahaba ng buhay.

Ang mga buto ng burdock ay mayroon ding Arctigenin na tumutulong sa pagtatay ng mga tumor cells. Naglalaman rin ang burdock ng mga flavonoid at polyphenol antioxidant, na tumutulong sa pagpigil ng paglago ng tumor at nagbibigay ng proteksyon sa normal cells mula sa mga toxins.

burdock

Bagamat malaganap na ngayon sa buong mundo ang mga halamang burdock, karamihan nito ay tumutubo sa Eurasia at North Africa. Subalit, nabibili rin ang ugat ng Burdock na ginagawang tsaa (tea) at Burdock capsule.

Burdock Tea

Burdock Capsule

Conclusion

Matagalan ang paggamot sa breast cancer, kaya hindi convenient kung magluluto, maghihiwa, at maghahanap ka pa ng mga herbal na gamot para dito. Kaya, nilagay na namin ang mga link para mas madali nyong mahanap at mabili ang mga herbal supplements na binanggit. Para sa may breast cancer, maayos na gumamit rin ng halamang gamot tulad ng gulay, burdock, luyand dilaw, at Echinacea.